Hinangaang Babae

Paghanga. Likas sa lalaki ang humanga sa ganda ng babae, bagama't ito'y kumukupas paglipas ng panahon. Ito ang tumatawag sa mata ng lalaki. Iba't iba ang unang tinitingnan. Maaaring mata, ilong, buhok, kulay, pisngi, labi, ngipin, kilay, katawan, at iba pa na syang unang hinahanap ng mata ng isang lalaki. Susunod na riyan ang amoy, na maaaring gawan ng paraan, at ugali, na pwedeng mapagtyagaan o matumbasan ng pag-ibig.

Sa ganang akin, patawad kung hindi tayo magkatulad, hangga't maaari, ang iyong magiging nobya o mapapangasawa ay kaibigan mong babae. Mas maigi ito dahil una, kilala nyo na ang isa't isa at pangalawa, may ugat na ang samahan. Yun nga lang, madalang at hindi ito gaanong makatotohanan dahil ang lalaki ay madalas naghahanap ng bago. Ang kaibigan mo ay lagi mong kasama at animo'y kapatid na babae - hanggang dun na lang at lalaki na mismo ang gumagawa ng bakod. Sa bagay, madalang din naman, ang lalaking makikipagkilala sa babae upang ito'y ligawan, bagama't nangyayari ito lalo na ngayon na uso ang mabilis na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng kuru-kuro. Kahit nasa malayo, maaari mong makilala at maging kaibigan sa maiksing panahon at pagdaan ng araw liligawan mo na. Hindi ako sang-ayon sa gayon.

Nais kong ibahagi sa inyo ang mga babaeng hinangaan at patuloy kong hinahangaan. Iba't iba sila ng ganda, bagama't may mga magkakatulad, sa iba't ibang tagpo, panahon, at kabanata ng aking buhay.


Ginalyn/Jenelyn
          Hindi ko na maalala kung ano itsura nya. Pero ang sigurado ko, hindi pa ako nag-aaral, kapag dumarating sa bahay, nagtatago ako sa kung saan. Madalas sa ilalim ng lamesa ni Tatay. Ewan. Natural na reaksyon siguro ng bata yun. Sana nga. Nahihiya ako eh. Ang ganda eh. Hehehe.

Jennifer
          Grade 2. Katabi ko sa klase. Ewan. Hindi ko rin alam ang kunek eh. Katabi ko sa klase, crush ko na. Hehehehe.

Ana Karenina Santos
          Inaasar sa akin ng pinsan at tita ko si Analeta. Maganda rin yun na classmate ko ng Grade 3, pero si Ana Karenina Santos ang Crush ko. Sa totoo lang marami akong magandang classmate, pero sa kanya talaga ako gandang ganda. Yun nga lang niligawan sya ni Rodrigo Abadilla, kaibigan ko, naging sila (to think na grade 2 pa lang kami!? Parang ngayon ko lang na-realize.).
          Ewan ko ba. Nakumpirma ko lang ang paghanga ko sa kanya sahil sa pinsan ko. Sabi ng pinsan ko, "Talaga? Hindi mo Crush si Ana? Sige, kung crush mo sya mapupunta ka sa impiyerno?" Syempre takot ako. Eh hanga naman talaga ako kay Ana.
          Naaalala ko pa yung chant na ginawa ng pinsan ko na, "Ana Karenina Santos, Anna Karenina Santos, Ana Karenina Santos, Anna Karenina Santos" kaya hindi ko pa rin nalilimutan ng buong buo ang kanyang pangalan.
          Wala na akong nakilalang babaeng mas maganda pa sa kanya mula noon. Sya pa rin ang crush ko hanggang nung bago mag-first year high school.

Jenny Joyce Ignas Carlos
          Hanggang sa mga oras na ito, sariwang sariwa pa rin sa akin ang unang araw ng first year High School. Nasa ground lahat ng kapapasok lang na first year. Sinasabi sa Stage kung saan sila dadalhing section. Hindi ko na naabutan na tinawag ang pangalan ko. Sinabi na lang sa akin ng kaklase ko nung Elementary. Classmate kasi ulit kami.
          Pagpasok ko sa kwatro namin, napansin ko agad yung babaeng maputi, bilugan ang mata, mahaba ang kanyang maayos na buhok, at matangos ang ilong. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganung kagandang babae.
          Masaya. Ilang araw lang naging kaibigan ko na sya. Sya ang naging secretary ng klase. Nakarating ako sa bahay nila at naging kaibigan ko rin ang nanay nya. Yun nga lang wala pa talaga akong planong magkanobya ng panahong ito. Hindi pa ako handa. Ayaw kong pumunta sa Digmaan ng hindi handa. Ayaw ko magtayo ng bahay na hindi ko kayang tapusin. Hanggang sa dumating ang oras na may nanligaw sa kanya at sinagot naman sya. Ayun. Iyak.
          Alam na alam ko pa ang kanyang buong pangalan. Hindi ko ito malilimutan. Minsan pinauwi nya sa akin yung kanyang dalawang ruler. Hindi ko alam kung bakit. Basta masaya ako dahil inuwi ko ang kanyang ruler. Nakasulat pa ang kanyang buong pangalan sa isa.

Christina Navaira
          Ikalawang taon ng mataas na paaralan. Kaklase ko pa rin si Joyce pero inilipat ko na ang mata ko sa ibang babae. Napakaayos ng kanyang buhok, maganda ang kanyang mga mata, malambing sya kung magsalita. Kaya alng nalaman nung matalik kong kaibigan na Crush ko sya. Nahalata yata ako. Asar. Ayaw kong may nakakaalam ng crush ko kaya tinanggal ko ang mata ko sa kanya at nilipat sa iba.

Geneva Bretania
          Hindi ko pansin ang ganda ni Bretania nung una. Si nanay lang ang nagpapansin sa akin ng ganda nya. Katabi ko sya sa upuan pero hanggang dun lang iyon. Humahanga ako sa ganda nya. Hindi man kasing ganda ni Navaira ang kanyang buhok, hindi rin naman mapapantayan ang ganda ng kanyang tingin lalo na kung seryoso at kinakabahan.
          Minsan, nakausap ko yung isang classmate ko na may gusto rin sa kanya. Hinuhulaan nya kung sino crush ko. Christmas Party nun. Hanggang sa umabot sa kanya. Ang sabi sa akin nung kaibigan ko, "Teka, si Geneva Bretania 'no? Inaagawan mo ako ah." Sabay ngiti. Sya lang nakakaalam na may gusto ako kay Geneva.

Irene Baliao
          Ikalawang taon pa rin ng Mataas na paaralan. Karamihan sa mga kaklase ko pawang mga kababaihan at halos lahat magaganda. May assignment kami sa school na Diary. Minsan, napagkatuwaan ng guro namin na magbasa ng isang Diary sa harap ng klase. Syempre hindi sa akin. Sa matalik kong kaibigan ang Diary. Nilagay nya rito ang kanyang inspirasyon at hinahangaang babae. dahil dito, nalaman ng lahat na si Irene Baliao ang kanyang Crush.
          Hindi kasing ganda ni Joyce, ni Navaira, at ni Bretania si Irene. Pero hindi rin naman kasing talino ni Irene ang tatlong babaeng nabanggit. Minsan ko lang naka-Bonding si Irene. Ito yung time na nagpa-Practice kami ng kakantahin para sa PEHM. "Lift Up Your Hands". May line pa run na pinagtatalunan pa namin pero hindi ko naman talaga kabisado lyrics.
          Minsan, nagkaroon ng activity ang school. May pagkakataon ang bawat isa na magpadala ng sulat sa kahit na sino. Binigyan nya ako ng sulat. Syempre, unang beses kong makatanggap ng sulat mula sa isang babae. Hindi ko alam kung anong iisipin o anong gagawin. Ayun, hindi ko na lang pinansin si Irene. Kahit nung may award sya sa Recognition day. Nakasalubong ko pa sya pero parang wala lang.
          Dumating ang summer break. Nag-isip-isip ako. Naisip kong sabihin sa sarili ko yung sinabi ng pinsan ko sa akin nung tinatanong nya ako tungkol kay Ana. "Mapunta man ako sa Impiyerno, wala akong gusto kay Irene?" Ayun. Meron pala akong gusto sa kaibuturan ng puso ko. Yun nga lang. Dahil unang beses itong nangyari sa akin, hindi ko alam kung ano gagawin o iisipin. Hindi ko na lang sya pinansin kahit na kaklase ko pa rin sya sa isang subject.
          Ewan ko. Pwede rin siguro nadala ako ng sulat nya. "Dahil may gusto sya sa akin, may gusto na rina ko sa kanya." Hindi ko kayang sagutin yan. Pero pwede rin, dala ng immaturity. Sya ang crush ko hanggang nung magtapos kami sa Mataas na Paaralan.

Hazel Ann Mendoza
          Kilala nyo ba sya? Malamang kilala nyo. Isa syang artista na kilala ng marami. Sa lahat ng artistang nakilala ko, sya ang tumawag ng aking mata. Maliban sa kanya, wala na akong maalalang hinahangaang artista tulad ng paghanga ko sa mga babaeng nandirito. Hindi ko pa sya nakikita sa personal o nakikilala kaya't ang paghanga ko ay limitado sa kanyang ganda at husay.

Asah Adonai delos Santos
          Dumating ang panahon ng pagiging Kolehiyo. Lumipat kami ng tirahan. Lumipat din kami ng Simbahan. Dito ko nakilala si Asah. Humanga ako sa ganda nya noong una ko syang nakita. Ibang iba ang ganda nya sa ganda ng mga kaklase kong babae.
          Nayari ako ni ate minsan. Lahat ng dalaga sa Polo sinabi nya, wala akong reaksyon. Nung sinabi nya ang pangalan ni Asah, kusang nag-react ang katawan ko. Dito ko lang na-kumpirma na may gusto ako kay Asah. Mula noon, inulan na ako ng pag-aasar mula kay ate.
          Nayari rin ako ng kuya ni Asah. Tinanong ako ng seryoso. "Sino crush mo rito sa Polo UMC? Hindi naman tayo parang bata na aasarin kayo." Yun. Sabi ko, "Yung bunso nyo." Natawa lang yung kausap ko.
          Hindi ko alam. Pero lumalabas na na-develop lang dahil sa pang-aasar. Ako ang huling sayaw ni Asah nung pagdiriwang ng pagdadalaga nya. Niyaya ko rin syang sumayaw nang minsang nagkaroon ng pagkakataon. Naulit ito sa aming simbahan, pero nagpaalam muna ako sa mga kapatid nya bago ko sya sinayaw.

Lyda Ponce
          Yung mga tulad ng itsura ni Lyda ang tipo kong babae. Parang may pagkakapareho sila ni Joyce. ang gusto ko pa sa kanya, napakasimple nya.
          Nakikita-kita ko na sya noong ikalawang semestre ng unang taon sa kolehiyo. Kasama sya ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko sya kadikit. Sadya akong hindi dumidikit.
          Naging kaklase ko sya ng sumunod na semestre. Hindi ko pa rin sya dinidikitan. Isang beses lang kami nag-usap nung minsang may tinanong ako. Pero hanggang dun lang yun. Sumunod na semestre, naging kaklase ko rin sya sa isang subject kasama ng ilan ko pang kaibigan mula sa unang semestre ng unang taon sa kolehiyo. Hindi ko pa rin sya dinidikitan. Minsan nalaman kong pareho pala kami ng relihiyong kinaaaniban. Pero hanggang dun lang yun. Hindi ko pa rin sya dinidikitan.
          Hanggang sa dumating yung sumunod na semestre at taon. Halos lahat ng subject magkaklase kami dahil pareho ang aming Major. Sya lang din ang pwede kong makadikit. Ayun, dinikitan ko na. Tinabihan ko sa upuan at sinimulan kong makipagkwentuhan.
          Hanggang sa huling taon namin ng kolehiyo, halos kaklase ko sya sa lahat ng subject. Sa una pa lang nagustuhan ko na sya, pero hindi ako dumikit dahil ayaw kong pahalata. Hanggang sa dumating ang tamang oras na nakilala ko sya na syang lalong nagpatibay ng aking pagtingin sa kanya.
          Pero parang may mali. Ng mga panahong ito, si Asah ang idinadalangin ko sa Panginoon at ang dalangin ko ay tanggalin ang pagtingin ko kay Lyda. Ang hirap pala nun. Hanggang sa dumating ang panahong niligawan ng isang barkada namin si Lyda. Ang sakit ng dibdib ko sa tuwing makikita ko silang magkasama. Lalo na kung hinahalikan nung barkada ko si Lyda.
          Isang pagkakataon ang hindi ko makakalimutan. Umuulan. Nanliligaw pa lang nito kay Lyda yung isa naming kaibigan. Galing kami sa kinakainan namin. May payong ako at may payong din yung barkada naming nanliligaw sa kanya, pero sa akin nakisukob si Lyda. Ang saya! Hanggang ngaypon tumatalong pa rin ang puso ko sa tuwing maaalala ko yun.

Clerizza Javier
          Tulad ng ganda ni Joyce at Lyda si Cle. Matapang at medyo brusko ang babaeng ito. Tulad din ni Joyce at Lyda, hindi masyadong maporma si Cle. Simple lang.
          Unang beses ko syang nakita sa isang camping namin. Sunod ko syang nakita, ilang taon ang lumipas sa isang camping ulit. Kakampi ko sya sa isang argumento na pinag-uusapan.

Alicia Miguel
          Una ko syang nakita sa isang pagpupulong ng mga Pinunong Kabataan ng aming relihiyon. Sa lahat ng nasa pagpupulong, sya ang tumawag ng aking pansin. Ibang iba ang ganda nya.

Babae sa PLM Cafeteria
          Hindi ako nagagandahan sa mga kaklase kong babae sa PLM. Nung pumunta kami sa Cafeteria para magmiryenda, may babaeng tumawag ng pansin ko. Nahahawig ang ganda nya sa ganda nila Joyce, Lyda, at Cle. Pero iba 'to. Ang buhok ng unang tatlong babae ay malakalawang, samantalang ang babaeng ito ay may buhok na itim na itim na syang lalong nagpalabas ng maputi nyang kutis.
          Hindi ko alam ang pangalan nya sa ngayon.

Paunawa: Kung ang pangalan mo ay nakita mong nakasulat dito at nasaktan ko ang damdamin mo, ngayon pa lang ay ipinaaabot ko na ang aking paghingi ng tawad. Kapag may bago akong hinahangaang babae, pilit ko itong tinatago... hanggang ngayon... kaya't nakasuot ako ng maskara at hindi tuwirang nagpakilala bagama't madali itong malaman. Ngunit puno na ang tubig, puno na ng hangin ang lobo, naabot na ang sukdulan ng aking lakas. Kusang lumabas ang mga bagay na ito bagama't hindi ko gusto. Kumbaga sa may sama ng loob, nilabas ko lamang ito. Inuulit ko para sa mga nasaktan, kung sakali, patawarin mo ako. Ayaw ko man, humahanga ako sa iyo. Hindi ko kayang turuan  ang mata ko kung sino ang dapat hanggaan. Patawad.

34 comments:

  1. Replies
    1. Hello! Ikaw ang kauna-unahang nag-comment sa blog ko! Salamat ng marami. Isa ka ba sa mga babaeng nabanggit?

      Delete
    2. hmmm... muzta ka na? nagulat naman aq sa mga descriptions mo sa akin.. hehehe...thanks ahh...
      hinuhulaan na namin sa FB ng mga HS frens kung sino ka...

      hmmm...kamiss tuloy HS.. <3

      Delete
    3. Napakatamis alalahanin ng panahong iyon. Panahong animo'y laro lang ang bawat bagay. Ngayon. Ang mga alaalang iyan ay may dalang aral at hindi na mababalikan kahit kailan. Pumutok na ang dibdib ko. Hindi ko maisiwalat ang mga bagay na iyan. Kaya't binulong ko na lang sa mundo.

      Delete
    4. Nakaka nosebleed naman sa lalim nyan...

      Delete
    5. Nico Robin (Cristina)March 16, 2012 at 9:58 PM

      idol!!!

      Delete
    6. Ahhh. Buti naman at nabasa nyo na ito. Buti naman at hindi kayo nasaktan. Nyehehehehe. Ganun talaga. Mahilig akong magsikreto. At ang sikreto ay hindi na sikreto kung may nakakaalam na.

      Akala ko Salaitang banyaga lang ang nakakapaglabas ng dugo sa ilong. Maging ang katutubong wika pala. Hehehe. Ang laki lang kasi ng impluwensya ni Bb. Ma. Crestina L. Bacho, na ngayon ay may asawa na raw, sa paggising ng natutulog na makata sa aking pagkatao.

      Delete
    7. ginoong tamburyo, natatandaan mo ba ang IMPENG NEGRO?

      Delete
    8. En yung "La India Elegante y El Negrito Amante"? Natatandaan mo pa ba Uban? Maganda.. Ginoong Tamburyo.. Nabasa mo na ba yung About?

      Delete
    9. Ayos. Magaling Uban. Eh poaano kung hindi pala ako si Kapitan Toming? Ako pala ay isa sa nanonood na ka-eskwela at humanga sa pagkabisa mo ng mahabang linya at pagwawalis sa harap; at inantok sa pagbabasa nung dalawa sa libro?

      Delete
  2. nice one! hahaha :)

    ReplyDelete
  3. ang galing magmasid ng mga "MATA" mo!! maganda nga ung mga HS class8 ntin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga.. May ibaig bang ipahiwatig ang iyong salitang "MATA"?

      Delete
  4. Wow ang galing muh :) hahhah

    ReplyDelete
  5. lakas ng loob mo tol.! haha.. XD

    ReplyDelete
  6. wOw!! nakakalibang basahin!! :)
    #about CRUSH :)

    ReplyDelete
  7. Salamat at ako ang gumising ng iyong kamalayan sa pagiging makata..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat at hindi ka nasaktan. Minsan kwentuhan tayo. Sulatan mo ako.

      Delete
  8. Bat nmn aq masasaktan? Its an honor for me na mayroon kang natutunan mula sa mga aralin natin sa klase nung ikay nasa high school..maari ko bang malaman kun kailan kita naging istudyante?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay kayo po pala, mahal na guro. Akala ko isa sa mga nasa artikulo. Hehe. Maraming maraming salamat po sa inyo! Bagamat wala po ako sa larangan ng panitikan,hanggang ngayon nagagamit ko pa rin ang mga itinuturo nyo sa akin. Naging kawili-wili sa akin ang panitikang Pilipino sa paraan ng inyong pagtuturo bagamat ang aking puso ay nasa Agham.

      Taon po iyon ng Florante at Laura at ng Noli Me Tangere. Si Erap po ang Presidente noon at nakipagpustahan kayo sa akin na kung nakaupo pa rin si Erap sa sunod na taon, ililibre nyo ako kung makakapag-aral pa ako. Hanga po kasi ako sa paraan ng pamumuno ni Erap. Hehe. Maraming maraming salamat po!

      Delete
  9. O kilala mo ako taz ikaw di ko kilala..magpakilala k nga po nang makilala n kita sa dami ng naging istudyante ko ikaw lng nagbanngit ng pangalan ko at kumpleto pa ha may mali lng s info n nakuha mo po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahehehe. Naaalala ko pa po kasi yung panahon na nagpakilala kayo. Sabi nyo po gusto nyo buong pangalan nyo ang ilalagay sa mga papel at hindi "Batso" o "Batchoy" ang apelyido nyo. Hindi rin "Cristina" kundi "Crestina." Sinulat nyo ng buo ang inyong pangalan na "Bb. Ma. Crestina L. Bacho." Nilinaw nyo rin yata na hindi buo yung "Maria" kaya "Ma." lang po. Yun po ang mga nakaimbak sa akin isipan.

      Maliwanag po ang inyong panuto kaya hanggang ngayon naalala ko pa. Tsaka dalawang taon ko pong sinusulat yun sa mga takdang aralin ko at papel sa mga pagsusulit. Yun nga lang po. Narinig ko na may kabiyak na po kayo kaya hindi na "Bb." kundi "Ginang." Hindi na rin "Bacho" dahil iba na apelyido nyo. Hehehe. Pagbati po pala sa buhay may-asawa.

      E-mail nyo po ako para sa iba pang detalye at malalim na pag-uusap. Ako po si Tamburyo Tamad.

      Delete
    2. Guro, e-mail nyo po ako para makapagkwentuhan tayo:
      tamburyo@gmail.com
      Maraming salamat po, guro!

      Delete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Pagtatama sa isa kong puna:
    Wala pa rin palang asawa si Bb. Ma. Crestina L. Bacho.

    ReplyDelete