Wednesday, February 17, 2016

Hintayan - Kabanata 1: Panimula

Malalim na gabi.
Malamig dulot ng Amihan.
Sa terminal ng van sa Trinoma.
Kaunti na lang ang mga tao sa paligid.
Dalagang nag-iisa sa pila.
Matamis ang kanyang ngiti.
Ako'y kanyang binati: "Kuyaaa!"
"Dito ka nakapila?" - paraan ko ng pagkilala sa dalaga.
Pumila ako sa tabi nya.
"Opo."
"OT?"
"May dinaluhan akong prayer and fasting."
"Tamang tama may dala akong tinapay. Gusto mo?" Sabay ngiti.
Nangiti rin ang dalaga.
"Ikaw, kuya?"
"Galing ako sa Cell Group."
Humaba na ang pila sa likod namin.
Dumating ang isang puting van.
Pumasok ang mga pasahero at naupo kami malapit sa pinto.
Tumingin sya sa akin at nagtanong: "Panganay ka ba, kuya?"
"Panganay sa lalaki. Pangalawa sa panganay."
"Talaga? Ako pangalawa sa bunso. Pero nag-ampon pa kasi kami."
Sariwa pa sa aking alaala kung paano sya tumingin sa akin. Namimilog ang kanyang mga mata. Nakatitig sa mga mata ko. Tinitingnan ang kaluluwa ko.

Tuesday, June 4, 2013

Nakakalungkot: Nasaan ang Katotohanan?

Paalala: Ang mga sumusunod na pangungusap ay mula sa kaisipan ng may-akda. Maaaring makasakit, ngunit ang katotohanan lang ang magpapalaya sa atin. Kung hindi kakayanin ng puso, wag nang ituloy ang pagbabasa. Inaasahan ang hindi magandang reaksyon ng mga mambabasa ngunit kasama ito sa aking karapatan. Maglagay kayo ng inyong comment after mabasa. Masama o mabuti ang reaksyon, walang problema, bahagi rin iyan ng inyong karapatan.

Magkaisa tayo ng pakahulugan sa dalawang salita na nasa pamagat:

Bading ~ Lalaking nais maging babae. Lalaking nais makipagtalik at / o nais maging kasintahan o magpakasal sa kapwa lalaki.

Tomboy ~ Babaeng nais maging lalaki. Babaeng nais makipagtalik at o nais maging kasintahan o magpakasal sa kapwa babae.

Sa tingin ko ang mga taong ito ay kung hindi sinasapian ng masamang espiritu eh baliw.

Sino naman ang magbubunsod sayo sa paligid na maging babae kung lalaki ka at maging lalaki kung babae ka kung hindi masamang espiritu? Dalawa lang iyan, masamang espiritu o Banal na Espiritu. Kung nasa iyo ang Banal na Espiritu, hindi mo pangungunahan ang Diyos. Ginawa ka Nyang lalaki sa ikatataas ng pangalan Nya, bakit mo pinagpipilitang maging babae? Ginawa ka ng Diyos na babae sa ikatatas ng pangalan Nya, bakit mo pinagpipilitang maging lalaki?

Ngayon, kung hindi ka naniniwala sa Diyos o sa espiritual na mundo, malamang baliw ka. Bakit? Hindi ba kabaliwan o wala sa tamang pag-iisip ang taong may titi ngunit gustong maging babae? Hindi ba kabaliwan o wala sa tamang pag-iisip ang taong may pekpek ngunit gustong maging lalaki? Psychological. Walang ibang pwedeng magtulak sayo nyan kundi ang iyong isip. Maliban na lang kung may espiritual na mundo talaga na hindi mo pinaniniwalaan. Kung hindi ka naniniwala sa espiritual na mundo, isang tanong na lang: bakit may multo o masamang espiritu?

May mga kaibigan akong bakla, ang sinasabi nila sila raw ay babae na nakakulong sa katawan ng lalaki. Hindi ko mapaniniwalaan yun. Malaya nating isipin kung ano ang gusto natin pero hindi relative sa isipan natin ang katotohan. Ang katotohanan ay absolute at hindi nagbabago kahit iba ang kaisipan natin. Halimbawa: unang kaisipan ng mga tao na flat ang mundo. Yun ang kaisipan ng tao. Pero ang katotohanan ay bilog ito na napatunayan ng barkong Victoria. Hindi nagiging totoo ang isang bagay kung iyon ang iniisip natin. Hindi relative sa isip natin ang katotohanan. Ang totoo ay ginawa ng Diyos ang babae para sa lalaki.

Nakalulungkot lang dahil sa ngayon, lalo na sa media, hindi na kinahihiya ang ganitong practice. Marami na ring grupo ang pinagtatanggol ang ganitong practice ng kabaliwan o pag-entertain sa sapi ng masamang espiritu. Nakakalungkot. Yan ba ang katotohanan? Yan ba talaga ang sanlibutan? Nakakalungkot.

Minsan may kinainan ako sa Anonas sa bungad ng Sikatuna. May batang lalaki na ang tantsa ko eh tatlong taong gulang pa lang. Kung umasta sya at kung magsalita ay babaeng malandi. Kung magsalita sya, walang habas at walang galang. Sa aking pagmamasid, napansin ko na ang mga nasa paligid nya ay inaasar at tinatawag syang bading at kung anu-ano ang pinagagawa sa kanya. Nasaan kaya tatay o nanay nun? Nakakalingkot.

Ano pa pwedeng gawin? Malamang ako pa mali. Nasaan ang katotohanan? Nakakalungkot.

Wednesday, August 17, 2011

Ano Suot sa Simbahan?

Mayroon tayong tinatawag na pan-Linggong Damit. Ito yung damit na pinakamaganda. Pinakamaayos. Iba't iba ang narinig kong dahilan kung bakit:

1. Kapag pupunta tayo sa isang pagpupulong at may makakausap tayong malalaking tao, isusuot natin ang pinakamaganda nating suot o maaaring bibili pa tayo ng bagong damit kaya dapat.

2. Masyadong espesyal ang araw ng Linggo dahil araw ito ng pagsamba at dapat paghandaan kaya dapat magandang damit.

Naniniwala akong dapat maganda ang damit pagharap sa Panginoon. Ngunit hindi ang damit na pisikal kundi Espiritual. Bakit? Ang Diyos ay Espiritu at sa puso tumitingin hindi sa pisikal na suot.

Hindi rin maaaring idahilan yung ikalawa. Dahil hindi lang tuwing Linggo ang pagsamba kundi araw-araw. Kung ano ang ginagawa mo sa araw araw, ginagawa mo yan dahil sa Panginoon at yan ay pagsamba. Ang Linggo ay sama samang pagsamba at pagbabahaginan ng karanasan. Pagpapalakasan ng bawat isa at sama samang panalanginan.

Bakit kailangang maganda? Tao ang makakakita nito at maaaring magbulid sa pagyayabangan at pasikatan.

Nasa tao kung ano gusto nyang isuot sa araw ng pagsamba basta't hindi makakapaglagay sa kanyang kapatid sa pagkatisod at pagkakasala. Ito ay sa ganang akin lamang at ito ang pananampalataya ko. Kung hindi tayo magkatagpo hindi ko ito ipipilit sa iyo.

Pagpapala ng Panginoong Diyos na ang suma atin.

Wednesday, May 18, 2011

Determinants ng Matrix

Sinubukang kong buklatin kung paano kinukuha ang Determinants ng isang kuwadradong matrix. Walang determinants ang parihabang matrix na hindi pareho ang bilang pahalang at bilang patayo.

Ang konsepto ng Calculus ay pagkuha ng pag-aari ng isang maliit na bagay mula sa isang bagay. Yung mga maliliit na bagay na yun kapag pinagsama-sama ang bubuo ng isang bagay. Bigla ko tuloy naisip yung kanta ng Asin na sinulat ni Nonoy Pillora, Jr. - "Tuldok". Yan ang konsepto ng Calculus na halos sabay na formulate ni Newton at Leibniz. Inisip ko na maaari itong gamitin din siguro sa Matrix.

Kung maaalala natin ang Atom ang bumubuo sa isang bagay. May mga tinatawag na cell ang buhay na nilalang. Lahat ng bagay ay binubuo ng maliliit na bagay. Kung sakali, paano kaya ang isang Matrix? Bakit kailangan ng determinant? May mas madali bang paraan para makuha ang determinant?

Ang natuklasan ko, nang bulatlatin ko ang mga formulang ginagamit, ang mga numero sa loob ay magkakabahagi para sa Determinant. Lahat ng miyembro sa loob ng Matrix ay kailangang gamitin para makuha ang Determinant. Kailangan kasi ng Determinant para makuha ang kabaliktaran nito. Madali kong nagawa ang formula para rito sa Spreadsheet ng Openoffice, pero hanggang 5x5 matrix lang. Kung tutuusin may mga 1000 x 1000 o higit pa na matrix. Nakakalulang isipin kung paano kuhain yung determinant nun, lalo na yung kabaliktaran.

Magkakaugnay ang mga bilang. Naaalala ko tuloy yung Ohana ng Hawaii. Walang isasantabi, walang iiwan. Sama-sama.

Kung gayon may paraan ba para masolusyunan ang mga ganung kalaking problema? Meron. Mahirap kung mahirap dahil wala namang madali sa mundo.

Si Cholesky nakagawa ng paraan para mapadali ang pagkuha ng solusyon, yun nga lang depende sa laman ng Matrix, dapat Positive Definite. Gusto ko sanang gumawa ng pangkalahatang solusyon para sa malalaking matrix, pero mukhang imposible sa taglay kong karunungan sa ngayon. Subukan ko muna yung ginawa ni Cholesky na depende sa laman baka mapadali kahit kaunti. Makatulong kahit paano. Tingnan natin.

Monday, April 18, 2011

DALOY: Ang pumasok na Q ay pareho ng lumabas na Q

Kung ano pumasok sa iyo, yun din ang lalabas. Napaka-interesante pala ng kunseptong ito. Hindi lang magagamit sa larangan ng agham kundi sa pang-araw-araw na pamumuhay din ng tao.

Naaalala ko pa ang ilan sa mga karunungang natutunan ko nung kumukuha ako ng karera. Sa isang asignaturang kinuha ko, natutunan ko na kung ano ang pumasok sa isang tubo, yun din ang lalabas dito. Malamang. Napakasimple. Hindi na kailangan ng paliwanag. Kapag kinuha ang pwersa sa isang bahagi ng tubo na dinadaluyan ng, sabihin na nating, tubig pare-pareho ito sa lahat ng bahagi kung ang tubo ay (1.) hindi magbabago ng kanyang taas buhat sa isang tukoy na taas, (2.) kung ang tubo ay hindi nagbabago ng laki at (3.) hindi kapansin pansin ang pagkawala. Ang daloy din ng tubig ay pareho ng daloy ng pumapasok sa tubo, ng dumadaloy sa loob at ng daloy ng lumalabas kung ang tatlong dahilang nabanggit sa taas ay nakuha.

Ang tao, kumakain, nagbabasa, nakikinig, nanonood, nakakaramdam, nakakaamoy, nakakakita, at iba pa na maaaring magpasok ng mga bagay bagay sa loob ng tao. Ang mga ito ay lumalabas kung ang lahat ng ito ay kinuhuha natin at tinatanggap. Ang mga hindi natin matanggap o nais ay isinusuka natin. Minsan tinatakpan natin ang ating tainga o mata o ilong upang makaiwas.

Ang mga pagkain na pumapasok sa atin ay lumalabas sa pamamagitan ng enerhiyang nagagamit natin buhat dito. Ang mga sobra na hindi natin nagagamit ay may dalawang dinaraanan - sa ating pwet upang ilabas at sa ating balat na nagiging taba. Minsan ang mga bagay na sobra at hindi na natin kailangan na naipasok sa ating katawan ay lumalabas sa pamamagitan ng sakit.

Ito'y katulad ng tubo na dinadaluyan ng tubig. Kung ang tubo ay tuluy-tuloy sa pag-agos, walang maaaring maging problema. Ngunit kung ang tubo ay pilit na pinapasukan ng tubig na hindi na kakayanin ng tubo dahil kakaunti ang nilalabas nito (siguro kaya kaunti ang inilalabas ay dahil sa lumiit ang bahagi ng tubo na nilalabasan ng tubig), maaaring ito'y lalabas sa hindi labasan ng tubig. Sisirain nito ang tubo upang may malabasan. Ganyan marahil ang nagyayari kaya't nagkakasakit ang tao o tumataba ang tao dahil sa sobra. Ang gayon ay hindi malayo sa kamatayan o pagkasira ng tubo.

Ang mga karunungang pumapasok sa atin, yan din ang lumalabas. Kung tinanggap natin ang mga karunungang mula sa Diyos sa pamamagitan ng Biblia o ng mga kapatid sa Iglesia, lalabas sa atin yun. Kung hindi magpapatuloy ang pagpasok ng mga karunungang mula sa Diyos, walang ilalabas ang kabilang bahagi ng tubo kaya't wala tayong mailalabas. Ngunit ang karunungang mula sa Diyos ay nahahaluan madalas ng karunungan ng sanglibutan kaya't halu-halo na ang karunungan. Ang ilang mali ay pinipilit gawing tama. Ganyan ang nangyayari kung ang tubo na dinadaluyan ng dalisay na tubig ay mahaluan ng lupa. Kahit anong gawin mo, lalabas at lalabas ang karunungan ng sanglibutan sa dulo ng tubo. Kaya't kailangan salain ang mga pumapasok sa unahang bahagi ng tubo. Ang sabi nga ng Panginoon, kunin ang mabuti at itapon ang masama.

Wala tayong dala ng ipanganak tayo ng ating ina. Wala rin tayong madadala kapag bumalik na sa lupa ang ating katawan. Kung gayon, ang mga pumapasok na kayamanan sa atin kung hindi natin ilalabas mapupuno tayo at puputok. Marami nang napahamak dahil sa kayamanan. Magbahagi. Mamili. Gamitin sa pakikipagkaibigan ang kayamanan.

Ano ngayon ang gusto kong ipunto? Maraming bagay ang pumapasok sa atin. Mabuti at masama. Sobra, kaunti, o tama lang. Tulad ng tubo na biniling walang lamang tubig, dumating tayo sa mundo na walang dala. Wala na ring tubig ang tubo ng itapon na tulad natin, wala ring madadala sa kabilang buhay. Salain ang pumapasok sa atin. Itapon ang masama at tanggapin ang mabuti. Huwag pipigilan ang paglabas ng tubig sa kabilang bahagi habang ang bahaging pinapasukan ay tuluy-tuloy sa pagpasok. Maaaring masuka ka o di kaya ay pumutok ang iyong tiyan.

Ang mga nakasulat dito ay maaari mong padaluyin sa tubo ng iyong pagkatao o di kaya ay isuka. Daloy daloy daloy.