Wednesday, February 17, 2016

Hintayan - Kabanata 1: Panimula

Malalim na gabi.
Malamig dulot ng Amihan.
Sa terminal ng van sa Trinoma.
Kaunti na lang ang mga tao sa paligid.
Dalagang nag-iisa sa pila.
Matamis ang kanyang ngiti.
Ako'y kanyang binati: "Kuyaaa!"
"Dito ka nakapila?" - paraan ko ng pagkilala sa dalaga.
Pumila ako sa tabi nya.
"Opo."
"OT?"
"May dinaluhan akong prayer and fasting."
"Tamang tama may dala akong tinapay. Gusto mo?" Sabay ngiti.
Nangiti rin ang dalaga.
"Ikaw, kuya?"
"Galing ako sa Cell Group."
Humaba na ang pila sa likod namin.
Dumating ang isang puting van.
Pumasok ang mga pasahero at naupo kami malapit sa pinto.
Tumingin sya sa akin at nagtanong: "Panganay ka ba, kuya?"
"Panganay sa lalaki. Pangalawa sa panganay."
"Talaga? Ako pangalawa sa bunso. Pero nag-ampon pa kasi kami."
Sariwa pa sa aking alaala kung paano sya tumingin sa akin. Namimilog ang kanyang mga mata. Nakatitig sa mga mata ko. Tinitingnan ang kaluluwa ko.